MGA PABATID PARA MABAWASAN ANG KAGAT NG MGA BUBUYOG
By: Richard Bobis
Una:
Isuot ang kasuotan sa pagbu-bubuyog bago lumapit sa bahay-pukyutan.
Pangalawa:
Pag-aralan ang paglakad ng tahimik, mabagal at dahan-dahan kapag malapit sa bahay-pukyutan.
Pangatlo:
Gawin and iyong pag-bibisita sa bahay-pukyutan sa loob ng alas-dyes ng umaga hanggang alas-dos ng hapon, dahil sa oras na ito ay nasa labas ang karamihan sa mga mang-gagawang bubuyog.
Pang-apat:
Pumuli ng panahon na malakas at maliwanag ang sinag ng araw. Ang bubuyog ay madalas sumasama ang pakiramdam kapag malamig at maulan ang panahon; hindi sila lumilipad ng maraming bilang para maghanap ng nektar kundi madalas magtampo malapit sa bahay-pukyutan.
Pang-lima:
Huwag gumawa ng pasampal na galaw sa isang bubuyog na lumilipad malapit sayo. Ang ganitong galaw o kilos ay ika-gagalit ng mga bubuyog. Ang isang bubuyog na iyong napag-bantaan ay tatawag ng maraming bilang ng mga bubuyog na papasok sa eksena para ipag-sanggalang ang napag-bantaang bubuyog.
Pang-anim:
Siguraduhin na walang kahit na anung klaseng amoy ang iyong damit at ang iyong sarili.
Pang-pito
Iwasang hingahan ang bubuyog kapag ikaw ay naka-baluktut sa bahay-pukyutan.
Pang-walo
Mag-ingat na hindi makagalaw o makasakit ng bubuyog habang mina-manipula ang bahay pukyutan. Ang buong kolonya ay iisipin na iligtas ang bubuyog at itaboy ka palayo.
Pang-siyam:
Gamitin ang iyong pausok para agapan ang pag-kakagambala sa bahay-pukyutan. Sa ganitong paraan ay mapapatahimik nito ang mga bubuyog.
At ang pang-sampu at pang-huli:
Kapag nakaramdam ka ng kahinahonan, ang iyong presensiya ay hindi masyadong makakagambala sa mga bubuyog. Umakto kaagad kung sakaling nagawa mong gambalahin ang bahay-pukyutan at gumawa ng isang magandang halimbawa.
No comments:
Post a Comment